Home   Opm   Sayang - Claire Dela Fuente
SHOW MORE...
Sayang
Ngayon lang tayo nagkatagpo,
Ngayon na rin magkakalayo;
Bakit kaya
Minsa'y sadyang kay damot ng tadhana?
O sayang
 
Sana'y nakilala na kita
Noong ako ay malaya pa;
Katulad mo,
Malayang nasusunod ang puso
 
Chorus:
 
Sana'y maaaring ibalik ang kahapon,
At duo'y magisnan na ang pag-ibig mo;
Sa dalangin ay hinihiling kong
Lumakad sanang pabalik ang panahon (oh--)
 
Sana'y maaaring ibalik ang kahapon
At iguhit na muli ang nakaraan;
Sana'y kaya kong baguhing lahat
Sa nakalipas nating kasaysayan,
O sayang
 
Sayang
 
Huling dumating ka sa buhay ko
Ang pag-ibig na katulad mo;
Bakit kaya,
Minsa'y sadyang kay damot ng tadhana?
 
O sayang,
Pagsuyong ngayon lang dumating,
Hindi na maaaring angkinin,
Ng tulad kong
Wala nang kalayaan pang umibig
 
Sana'y maaaring ibalik ang kahapon,
At duo'y magisnan na ang pag-ibig mo;
Sa dalangin ay hinihiling kong
Lumakad sanang pabalik ang panahon (oh--)
 
Sana'y maaaring ibalik ang kahapon
At iguhit na muli ang nakaraan;
Sana'y kaya kong baguhing lahat
Sa nakalipas nating kasaysayan,
Talagang sayang,
O sayang.
 
Sayang!